Maynila

Self-portrait. Photo taken at Manila Bay, January 2011.

Self-portrait. Photo taken at Manila Bay, January 2011.

Nag-impake ako paalis, diba? Sabi ko lalayasan na kita. Sabi ko kailangan kong lumayo at kalimutan ka. Sabi ko di na kita babalikan…

Dalawang malaking kahon lang ang dala ko palayo sa’yo. Naisip ko, mas mabuti nang kaunti ang dala para mabilis ang paggalaw. Mukha tuloy akong tanga nang lumipat ako sa bago kong bahay. Walang kama, walang sala. Puro kumot, kurtina at kutsara lang ang dala ko, bukod sa sangkaterbang sapatos na iisang pares lang naman ang araw-araw na isinusuot, at sa sandamakmak na damit na hindi naman alam paano isusuot.

Mahirap umalis, akala mo ba. Bukod sa ilang beses na paglisan at pagbalik, halos kalahati ng buhay ko kasama kita. Sa’yo na ako tumanda, sa’yo na lumawak ang pananaw ko sa buhay, sa’yo ko rin naranasan ang pinakamasasakit na karanasan. Ang dami-dami kong kailangang kalimutan, kahit na alam kong ang dami-dami ko rin namang natutunan.

Oo, makailang beses na kitang nilayasan at sa ilang beses na paglisan, ilang beses rin kitang binalikan. Minsan dahil kailangan, minsan dahil wala na akong ibang mapuntahan. Sa pagkakataong ito, pinili kong balikan ka dahil gusto ko. Gusto kong magsimula ulit tayo, kahit bilang magkaibigan. Hindi ko alam kung mahal kita at hindi ko rin masasabing hindi kita mahal. Hindi ko maipapangakong hindi ko na gugustuhin layasan ka, pero sana kung darating man ang oras na ‘yun, lalayas akong masaya.

–x

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: