Panaginip

Napanaginipan na naman kita kagabi, sa dinami-rami ng gabi, at sa dinami-rami ng mga taong pwede kong mapanaginipan. Kung totoo ang sinasabi nila tungkol sa mga panaginip, maaaring sumagi na naman ako sa isip mo o ikaw sa isip ko. Nakakatawa. Maaaring sa pagitan ng mga espasyo, panahon at ng magkaiba nating realidad  ay nagagawa nating magtagpo at mag-usap na parang magkaibigan.

Kailan ba tayo huling nakapag-usap? Hindi ko na maalala. Ang naaalala ko lang ay isa ka sa mga taong nakakausap ko ng maayos at kahit magmukhang ako ang pinaka-problemadong tao sa balat ng lupa parang wala akong pakialam dahil ang paniniwala ko ay natatanggap mo ang lahat ng kagagahan ko. Natutuwa na ako ngayon sa mga alaala mo, haha!

Sa panaginip ko kagabi, para kang “knight in shining armor” ko. Parang taglay mo ‘yung solusyon sa kung anumang pinoproblema ko sa totoong buhay ngayon. Sa totoo lang, naisip ko na ring tawagan ka pero nahihiya ako. Siguro kung ililista ko ‘yung mga taong DAPAT kong hingan ng tulong kapag may problema ako, ikaw DAPAT ‘yung nasa huli. Alam mo na rin ‘yun kung bakit.

Sa totong buhay, okay naman na tayo, diba? Siguro kasi hindi naman talaga nawala ‘yung pagkakaibigan natin. Nabaon lang sa lahat ng masasakit na pangyayari at sa limot.

Makakagaan siguro kung nakakapag-usap tayo. Pero mangyari man ‘yun, hindi ko alam kung saan magsisimula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: