Hindi ito pagtakas

life

Naalala ko ang huli naming napagkuwentuhan ni Mama. Pinapagalitan niya ako kasi hindi daw ako nagpaalam sa kanya noong pumunta ako sa Basilan minsan dahil sa trabaho. Sabi ko sa kanya, hindi ako nagpaalam kasi alam kong hindi niya ako papayagan at baka atakihin lang siya sa puso. “Ikaw talaga…” ang sabi ng nanay ko, na bagamat alam ko kung gaano siya gitil na gitil sa aking mga paglalaboy ay sobra-sobra kung sumuporta sa akin.

Noong unang beses akong lumayo sa bahay para mamuhay mag-isa (maliban sa pagpunta ko sa Diliman para magaral) kasama ko pa rin si Mama sa paghahanap ng bahay. At naalala ko may iyakan session pa ‘yun dahil ‘yung dapat na tutuluyan kong bahay sa Baguio e medyo naki-creepy-han ako. Imbis na pagalitan niya ako, kinuha niya agad-agad ang mga gamit ko at nagpaalam doon sa pinsan niyang may-ari ng bahay, at dumeretso sa bahay ng isang family friend namin at doon niya ako inihabilin. Twenty-five years old na ako noon, at oo, nanay ko pa rin ang nagso-solve sa mga kuning-kuning na bagay katulad noon.

Nang naghakot ako pabalik ng Maynila, nag-rent si Mama ng sasakyan ng kakilala niyang nagdedeliver ng niyog sa Baguio. Kinontrata niya na dadaanan ang gamit ko bago sila umuwi pabalik sa Laguna. Ayun, hanggang ngayon nasa kahon pa rin lahat ng gamit ko na galing Baguio, hindi ko pa naaayos, kasama ng iba ko pang gamit galing naman sa Thailand. Isang malaking tambakan ang kuwarto ko amin sa Laguna.

Ngayon, eto na naman ako. In less than a week, maglilipat na naman ako ng tirahan, ng trabaho, ng syudad. Maghahakot na naman ako ng gamit kong siguradong hindi ko na naman maiiimpis kung iuuwi ko lang sa amin sa Laguna.

Yup, iiwan ko ang Maginhawa. Ipagpapalit ko ang 24/7 na internet connection, ang mga walking distance na kainan, ang mga friends na nasa tabi-tabi lang, ang kapitbahay na napagtitripan nang hindi niya alam, ang maraming bagay pati si Bubu na gustuhin ko mang isama hindi pwede.

Hindi ito isang pagtakas. Kung noong isang taon ito nangyari, sigurado pagtakas ito at sigurado rin ako babalik at babalik lang din ako sa simula dahil wala namang napapala ang pagtakas.

Hindi ito pagtakas kasi kung pagtakas din lang ang gusto ko, hindi na ako aalis ng Maynila. Saan ba ang pinakamagandang lugar para makalimot kundi sa lugar na sangkaterba ang panandaliang-aliw, matitingkad na ilaw, at walang pahingang araw at gabi? Madaling lumimot sa Maynila. Maraming distractions.

Hindi ito pagtakas dahil wala naman na akong gustong takasan.

Isa itong pagbangong-muli, isang pagkakataon para mag-improve, ma-test ang sariling kakayahan, ang limitations, ang pangarap. Plus points na lang kung makakahanap ako ng loveelife. Hahahahaha! Oh well…

Naisip ko kung tama ba ito. Igi-give up ko ba ang maraming opportunities dito sa Maynila para sa lugar na wala akong kaalam-alam, walang masyadong kakilala, malayo sa pamilya, sa mga kaibigan? Pero naisip ko si Mama. Kahit kailan hindi naman niya ako pinigilang umalis o pinilit mag-stay lalo na sa amin. Noong nagpaalam ako na lilipat ako sa Baguio, go lang siya kahit sa totoo lang ang dahilan ko noon ay para makatakas. Nang nagpaalam ako na mag-aaral sa Thailand, go rin siya! Hindi ko naramdaman na may mga bagay akong hindi pwedeng gawin, mga lugar na hindi pwedeng puntahan. Kahit noong galing ako sa Basilan at Tawi-tawi, hindi naman talaga siya nagalit e. Nag-alala, oo, pero noong nakita naman niya ako sa harapan niya alam ko naman na ayos lang sa kanya kahit saan pa ako nanggaling. Nagalit lang talaga siya kasi hindi ako nagpaalam.

Kung buhay siya ngayon at ganito pa ring ang sitwasyon na kailangan kong umalis, hindi naman ‘yun magdadalawang-isip na payagan ako. Sasama pa sa akin ‘yun! Actually plano naming manggala, after niya sana mag-retire. E ngayon, wala na. Ako na lang.

Kaya hindi ako magpapapigil. Go lang dapat ng go! Wag lang kakalimutan ang bilin ni Mother –ilagak sa Panginoon ang lahat!

Nakakamiss ang Mama ko.

Advertisements

One comment

  1. Saan ka na pupunta?? :

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: